Everyone is talking Janina San Miguel.
Tama na. Di ko na kayang mag-English. Actually, it’s my first time to sulat an entry in English.
Yung research paper ko, di pa tapos. Bahala na.
Magbabakasyon ako sa bahay this Holy Week. Oo, bakasyon.
After Holy Week is finals week. Every day, may test yata ako, including the defense of my research pare na di ko pa rin matapos/masimulan.
Actually, hindi yan talaga ang mga pinoproblema ko ngayon. Mas iniisip ko ngayon ang pag-shi-shift ko.
Last semester, sabi ko mag-shi-shift na ko. Desedido na talaga ako. Pero di ko alam kung saan. Sabi ko sa second semester ko na lang iisipin yun.
Dumating na ang second semester. Wala pa rin akong naiisip. Sabi ko sa Christmas break ko na pag-iisipan para relax.
Pero, olats. Wala pa rin ako maisip. Noche buena at media noche lang ang pumasok sa utak at sikmura ko. Matatapos na lang ang academic year, ngarag pa rin ako. Undecided.
Kaht ngarag ako, walang makakapigil sa akin na mag-shift. Di ko talaga ma-imagine kung bakit napili ko ang course na tine-take ko ngayon. As in. Wala sa itsura at mukha ko ang gumawa, mag-ayos at magsira ng makina ng kotse, aircon at ref.
Actually, dalawa na lang talaga ang pinagpipilian kong lipatan. Either Film or Statistics.
Bakit Film? Bakit Hindi Film?
Interesado talaga ako sa Film ever since. Siguro, di ko lang talaga napansin tong course nung pumipili ako ng papasukang course. Pero kasi, lahat ng Math subjects ko, ma-di-discredit if ever lumipad na ko sa Film. Sayang naman, di ba? Tsaka, medyo maglalabas ka raw talaga ng pera sa course. Pero, di ko naman iniisip yung pera.
Bakit Stat? Bakit Hindi Stat?
Well, sa mga di ka nakakilala sa akin, hilig ko talaga ang mga numero simula nung nasa bahay bata pa ako ng mudra ko. Isa pa, ma-ke-kredit ang mga kinuha kong Math subjectspero siyempre maghahabol ako ng unting Stat subjects. Pero kasi, never heard ang course na ito. At tsaka nung sinearch ko sa Google kung ano ang magiging kinabukasan ko kapag nag-Stat ako, aba aba (ginoong maria), ewan ang lumabas. Mahirap nang maging unemployed.
At siyempre, to the rescue naman si Airmath ko. Aba Aba (ginoong maria), sabi ba naman niya:
“Pumasok ka na lang sa PMMA.”
Leche. Nakatulong talaga si mudra. Nakatulong sa panggugulko sa utak ko.
Ako? Papasok sa PMMA? No way! As in! Magkakalakal na lang ako ng bote, no!
hahaha! ikaw? martin? martin? MARTIN? PMMA? wahahahahahaha!!! hahaha! natawa tlga ako. langya yang nanay mo nagmana sayo! wahahahaha!!! :))
ui anu ung sasagutan? bakit sa email mu pa ipapadala? wag na… magcreate ka na lng ng page para dun sa kachorbahan mu.. wahahahaha!!! nkkatamad kasi. nakalimutan ku password ko sa email ko eh.. hahahahaha!!!
pasok ka kaya PMA..hehehehe i’ll be waiting..mabait man ako…hehehe *peace*
sa film ka na!! malaki ang kita pag naka-gradweyt na.. hehe!
malaki rin naman ang gastos pagpasok..
magstat ka na lang..
tat na lang.. tunog pa lang, wow na… hehehe